Sa isang Facebook video na inilabas ng presidential aspirant at Vice President Leni Robredo nitong Linggo, Nob. 14, pinaalalahanan nito ang publiko na pumili ng tamang mga lider sa Halalan 2022.

“Ngayon, ano bang takot mo? Gutom? Walang trabaho? COVID? Pero bukas pa ang bukas. Panahon nang pumili muli,” ani Robredo.

“Ang dapat piliin, walang bahid ng korapsyon, ibibigay nang buong-buo ang dapat sa iyo. Dahil mahal ka. Ako si Leni Robredo. At araw-araw pinipili kita,” dagdag niya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Screengrab mula sa Facebook video ni VP Leni Robredo

Sa pag-uulat, higit kalahating milyon views na ang inani nito sa Facebook anim na oras matapos isapubliko.

Samantala, hindi naman nagulat at sa katunyan ay “chill” lang si Robredo sa naging political drama nitong Sabado kasunod ng pag-adopt ng kampo ni Bongbong Marcos kay Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio bilang ka-tandem nito sa dalawang pinakamataas na posisyon para sa Halalan 2022.

Nauna namang pinasalamatan ni Robredo ang naging mainit na pagtanggap sa kaniya ng Cebu.

“Sa dalawang araw na pag-iikot natin sa Cebu, mas lalo nating napatunayan na hindi tayo nag-iisa sa laban na ito. Kaya naman sa lahat ng Sugbuanon na nagkakaisa at buong-buo na ipinakita ang kanilang suporta at pagmamahal: Daghang salamat!.”