Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Valenzuela nitong Sabado, Nob. 13 na pinapayagan na nitong magbukas ang mga “tiangge.” Bazaars, at iba pang pop-up booths sa lungsod.

Ang approval ng polisiya ay base na rin sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution No.21-27 na nagpapahintulot sa mga maliliit na negosyo na mag-operate ngayong pagdiriwang ng pasko.

Larawan mula One Valenzuela website

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Dapat na ganap na bakunado ang mga vendor, organizer at iba pang empleyado at kinakailangang ipakita ang kanilang mga COVID-19 vaccination card.

Maaaring makuha ng mga interesadong residente ang kanilang libreng permit sa City Business Inspection and Audit Team (CBAT).

Pinayagan din ng lokal na pamahalaan ang non-contact group activities kasunod ng pagsasailalim ng Metro Manila sa Alert level 2 quarantine status.

Aaron Homer Dioquino