Sinalakay ng anti-smuggling unit ng Bureau of Customs (BOC) ang isang bodega sa Malabon dahilan para masamsam ang humigit-kumulang P4.72 milyong-halaga ng smuggled agricultural products.

Nasamsam sa warehouse raid sa Catmon, Malabon ng mga imported na gulay tulad ng broccoli, carrots at pulang sibuyas noong Nobyembre 11, Huwebes.

Pinangunahan ni BOC Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) chief Alvin Enciso ang operasyon kasama ang mga opisyal mula sa Manila International Container Port (MICP) sa pamamagitan ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order mula kay customs commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

“Our mandate has always been to clear our ports of all kinds of smuggling,” sabi ni Enciso.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Larawan mula BOC via Facebook

“Recently, we’ve been getting information about smuggled fruits and vegetables, which we have been acting upon diligently.”

“As I’ve said earlier, smuggling agricultural products into the country is very personal to a lot of our countrymen since we depend heavily on our agricultural industry,” dagdag niya.

Nadiskubre ng magkasanib na mga operatiba ang pitong reefer van na ginamit bilang pansamantalang cold storage sa isa sa mga bodega sa loob ng compound. Sa pito, tatlo ang naglalaman ng smuggled broccoli, red onion at iba pang imported na produkto habang apat naman ang walang laman.

Naglagay ang pangkat ng operatiba ng mga temporary seal at padlock sa bodega upang ma-secure ang lugar.

Ang imbentaryo ng mga kalakal ay isasagawa ng customs examiner na sasaksihan ng CIIS, Enforcement and Security Service (ESS), at ng Coast Guard.

Pinuri ni Guerrero ang latest operation ng BOC kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno habang ang bureau ay patuloy na naglalatag ng mga hakbang sa pag-asang protektado ang ilang lokal industriya at sektor.

Waylon Galvez