Halos 50,000 menor de edad na 12 hanggang 17 taong-gulang ang nakatanggap na ng at least unang dose ng coronavirus disease (COVID-19) vaccine sa Maynila mula noong Sabado, Nob. 13.
Nasa kabuuang 49,272 mula sa A3 o comorbidity group at sa general population ang nakatanggap na ng kanilang unang dose ng bakuna.
Sampung magkakaibang vaccination sites ang ginagamit upang ilunsad ang malawakang pagbabakuna sa mga bata sa lungsod.
Kabilang sa mga sites na ito ang anim na district hospitals ng Maynila: Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio, Justice Jose Abad Santos, Ospital ng Sampaloc, at Ospital ng Tondo.
Ang apat na iba pa ay sa Lucky Chinatown Mall, SM Manila, SM San Lazaro, at Robinsons Place Manila.
Nag-umpisa ang inisyal na pediatric vaccination ng lungsod noong Oktubre 22 habang ikinasa noong Nob. 3 ang mass vaccination.
Seth Cabanban