Matapos ang kanilang kasal, patuloy na ibinabahagi ni Ellen Adarna-Ramsay ang ilan sa mga detalye ng kanilang big event na naganap noong Nobyembre 11 sa Rancho Bernardo sa Bataan.

Sa isang Instagram post, ipinakita ni Ellen ang kanilang photos ni Derek habang sila ay nasa reception at ninanamnam ang kanilang halik bilang Mr. and Mrs. Ramsay.

Pinasalamatan din ni Ellen ang lahat ng mga taong nagkaroon ng partisipasyon sa kanilang kasal. Ipinakita rin niya ang kanilang wedding rings ni Derek.

Sa isang Instagram post, sinabi ni Ellen na pinakasalan niya ang lalaking pinapangarap at pinagdasal niya.

Relasyon at Hiwalayan

Ion, muling ibinida ang pagmamahal kay Vice Ganda matapos magtanggal ng wig

"Last night, I married the man of my dreams, affirmations and prayers," caption niya.

Ellen Adarna at Derek Ramsay (Larawan mula sa IG/Ellen Adarna)

Matatandaang noong 2019 at 2020 ay napabalita ang pakikipaghiwalay nila sa kani-kanilang mga karelasyon; si Derek kay Andrea Torres at si Ellen naman ay kay John Lloyd Cruz.

Pagpasok ng 2021, marami ang nakakitang magkasama sina Ellen at Derek sa mga pa-dinner sa bahay ni Derek at magmula noon, nagkakasama na sila ni Ellen maging sa pagwo-workout. Buwan ng Pebrero nang kumpirmahin nila ang kanilang relasyon.

Inamin nila na kahit isang buwan pa lamang ang kanilang pag-iibigan, pakiramdam daw nila ay isang taon na ang nilalakad ng kanilang relasyon. Talagang nagkaroon ng 'magic' at 'spark' sa kanilang dalawa, na nagsimula naman bilang magkaibigan.

Hindi naging 'smooth-sailing' ang relasyon ng dalawa lalo't kahihiwalay nga lamang nila sa kani-kanilang mga ex, kaya marami ang humusga sa kanila na hindi rin magtatagal ang kanilang relasyon.

Ngunit sa buwan ng Marso, muling nagulat ang mga netizens sa balitang engaged na sila. Doon na nagsimulang sundan ng mga followers at bashers ang kanilang mga sweet moments na ibinabahagi nila sa kani-kanilang mga social media accounts.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/11/ellen-adarna-at-derek-ramsay-kasal-na/">https://balita.net.ph/2021/11/11/ellen-adarna-at-derek-ramsay-kasal-na/

Buwan ng Oktubre ay isinagawa ang pamamahagi ng kanilang mga wedding invitations at ang paglabas ng kanilang prenup photos. At nitong Nobyembre nga ay ikinasal na sila.