Isa sa mga Kapamilya actress na sinubaybayan din naman ang love life ay walang iba kundi si Angelica Panganiban, lalo pa't ang kaniyang mga ex-boyfriends ay tila magkakaugnay sa kaniyang buhay.

Naging mag-jowa kasi sina Angelica at Derek Ramsay. Nang maghiwalay sila noong 2012, naging jowa niya naman si John Lloyd Cruz. Naghiwalay rin sila noong 2016. Pagkatapos ng isang taon, nakilala ni John Lloyd Cruz si Ellen Adarna at doon na nagsimula ang hiatus nito sa showbiz. Nagkaroon sila ng anak na Baby Elias at noong 2019, nagkahiwalay rin ang kanilang mga landas.

Noong Nobyembre 2020, nagkahiwalay naman sina Derek at ang jowa niyang si Kapuso actress Andrea Torres. Pagpasok ng 2021, nagkaroon ng chismis na may namumuong 'something' kina Derek at ex ni JLC na si Ellen Adarna, hanggang sa umamin na nga sila noong Pebrero. Nitong Nobyembre 2021 na nga sila ikinasal.

Hindi nakaligtas sa mga mapanuring mata ng mga netizens ang pagpuso ni Angelica sa bridal photo ni Ellen Adarna sa Instagram account ng make-up artist na sy Mickey See. Moved on na rin naman kasi talaga ang aktres dahil masaya na ito sa relasyon niya sa non-showbiz boyfriend na si Gregg Homan. Matatandaang pasabog niya ito sa publiko sa mismong gabi ng Bagong Taon, kasabay ng mga fireworks displays na pumapailanlang sa kalangitan.

Matet De Leon, ibinuking kung anong klaseng ina si Nora Aunor

Ellen Adarna (Screengrab mula sa IG/Mickey See)

Ellen Adarna (Screengrab mula sa IG/Mickey See)

"Kung isa kang pelikuka, sana, wala kang ending," nakalagay pa sa caption na pinusuan ng kaniyang mga showbiz friends.

Si Gregg Homan ang kauna-unahang non-showbiz boyfriend ni Angelica pagkatapos ng kaniyang pakikipagrelasyon kina Derek at JLC.

Yun na!