BAGUIO CITY - Limang pinaghihinalaang drug personalities ang nalambat sa mas pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa iligal na droga sa loob ng dalawang araw na buy-bust operation sa magkakahiwalay na lugar sa siyudad kamakailan.
Kinilala ni City Police Director Glenn Lonogan, ang unang suspek na si Michael Fulgenio Cerezo, 43. Nsakotesi Cerezo saAZCKO Barangay, Baguio City, matapos mahulihan ng P6,800 halaga ng shabu habang si Jay Kiwas Alamar, 27, ay nadakip sa Melvin Jones at nasamsaman ng limang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P37,400.
Sa Barangay Bakakeng, nasakote naman sina Romel Fontanilla Mabalot, 39 at Marjorie Lutis Ticuan, 28, na nakumpiskahan ng 20 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P136,000.
Bukod dito, nasabat din kay Ticuan ang isa pang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.
Natimbog naman ng pulisya sa Brgy. Burgos si Teddy Bruno Capino, 49, matapos magbenta ng iligal na droga sa mga awtoridad.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Zaldy Comanda