Isang lone bettor mula sa Laguna ang naging instant milyonaryo matapos na tumama ng ₱8.48 milyong jackpot sa Regular Lotto 6/42 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Sabado ng gabi
Nahulaan ng lucky bettor ang six digit winning combination na 09-25-35-21-15-37, ayon kay PCSO general manager Royina Garma.
Dahil dito, naiuwi niya ang jackpot na ₱8,489,696.40.Nabili umano ng lucky bettor ang kanyang winning ticket sa Calamba City, Laguna.
Kaugnay nito, mayroon namang 30 mananaya ang nakapag-uwi ng second prize na tig-₱24,000, matapos na makahula ng limang tamang numero habang 1,429 na mananaya naman ang tumama ng ₱800 bawat isa para sa apat na winning combinations na nahulaan.
Mary Ann Santiago