Emosyonal ang fans ng Grammy award-winning singer Taylor Swift matapos ipakinig nito sa publiko ang expanded re-recording ng 2012 classic album nitong 'Red.'
Ipinakita nito ang kanyang galing sa Red (Taylor's Version).
Taong 2012 nang inilabas nito ang album na mayroong 16 na kanta. Samantala, ang bagong bersyon ay mayroong 30 tracks, kasama ang collaboration kanila Phoebe Bridgers, Gary Lightbody, Ed Sheeran at Chris Stapleton.
Pasok rin sa 30 tracks ang mga ilang kantang hindi nailabas noong 2012 sa orihinal na bersyon ng album.
"Just a friendly reminder that I would never have thought it was possible to go back and remake my previous work, uncovering lost art and forgotten gems along the way, if you hadn’t emboldened me. Red is about to be mine again, but it has always been ours. Tonight we begin again. Red (my version) is out now," ani Taylor Swift sa kanyang Facebook post.
Kaugnay rito, trending online ang re-recording album na inilabas.
Ilan sa top 10 trending list ay ang mga sumusunod: #RedTaylorsVersion; “I Knew You Were Trouble”; “I almost do”; Jake Gyllenhaal; “Ronan”; “The last time”; “Girl at home”; at “Everything I Do.”
Ang "Red (Taylor's Version)" ay ang pangalawang album ni Swift sa kanyang re-recording project.
Matatandaan na Abril ngayong taon, umakyat siya Billboard 100 sa kanyang "Fearless (Taylor's Version)," unang proyekto nitong re-recording mula sa 2008 album na "Fearless."
Nauna na nitong inanunsyo ang planong trabahuin ang sariling albums mula sa noong 2006 self-titled debut up hanggang 2017 album na "Reputation."