BENGUET - Dalawang magkatabing wood carving/furniture warehouse ang nasunog na ikinamatay ng isang wood carver sa may Barangay Tadiangan, Tuba kamakailan.

Sa paunang report ng Bureau of Fire Protection-Tuba, ang unang furniture shop ay pag-aari niJames Kidungen, Jr., 38, at ang ikalawa ay pag-aari naman ni Dexter Bucasan, 34, kapwa sa Km. 6, Asin Road, Greenwoods Subd., Tadiangan.

Ayon sa BFP-Tuba, nakatanggap sila ng tawag dakong alas 11:00 ng gabi ng Nobyembre 11, na may nagaganap na sunog sa nasabing lugar.

Dakong 1:17, Nobyembre 12 nangideklara itong fireout, ayon kaySFO2 Roger Dela Cruz. ng BFP-Tuba.

Probinsya

₱1.8M halaga ng ilegal na sigarilyo, nasabat sa Bacolod; 2 arestado!

Gayunman, natagpuan ng mga arson investigators ang isang sunog na bangkay sa shop ni Kidungen.

Kinilala ito na si Luis Binwag Munliting, 22, binata, tubong Ifugao at taga-nasabing lugar.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng insidente at ang halaga ng naabong ari-arian.

Zaldy Comanda