Kamakailan lamang ay pinayagan na ang paglabas ng mga bata at pagpayag na maisama sila sa loob ng malls ng kani-kanilang mga magulang, sa pagbaba ng quarantine restrictions sa National Capital Region at iba pang mga lalawigan, na karamihan ay nasa Alert Level 2 na.

Kaya naman, ibinahagi ng Facebook page na 'Balitang SJDM' sa Bulacan ang isang viral social media post ng isang pediatrician na hindi na tinukoy ang pagkakakilanlan, na nagpapahayag ng kaniyang pagkaalarma o pagkabahala sa pagdagsa ng mga bata sa loob ng mall, gayong hindi pa naman lubusang nawawala ang COVID-19 sa bansa. Hindi rin lahat ng mga bata ay nababakunahan na.

Ayon sa kaniyang 'real talk' Facebook post, nasa huli raw ang pagsisisi. Ang naturang pediatrician ay nagtatrabaho sa Philippine General Hospital at in-charge at sa pediatric ward.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Screengrab mula sa FB/Balitang SJDM

"Nasa huli ang pagsisisi."

"Real talk!"

"I am a pediatrician doctor in PGH. I was in charge in Covid ward. Nagre-rent ako ng room malapit sa hospital pero taga-San Jose del Monte, Bulacan ako umuuwi ako once or twice a month if maluwag ang schedule. Just this week umuwi ako to check my kids. Dumaan ako sa SM Tungko to grocery and to buy pasalubong for my kiddos."

Habang namimili raw siya, napansin niya na maraming bata sa mall, at hindi raw niya naiwasang hindi maalarma bilang isang doktor.

"Medyo hindi ko ine-expect ang nakita ko, ang daming bata sa mall as in newborn, toddlers. Naalarma ako as a doctor na baka dumami na naman ang cases ng mga bata. Yes protected ang adults pero kahit fully vaccinated ang isang adult, take note PWEDE PA RIN MAGKA-COVID, paano pa pag bata ang magkaroon ng Covid remember wala pa sila vaccine?"

"As a mother, oo nakakaawa kasi ang mga bata nakakulong lang sa bahay pero mas maawa kayo kung ang anak n'yo ay nasa ICU at hindi n'yo man lang maalagaan."

"Kahit na magmakaawa kayo sa amin, once na positive ang bata, hindi ninyo na 'yan maalagaan kahit na fully vaccinated pa kayo."

May panawagan siya sa mga magulang na makakabasa ng kaniyang Facebook post. Aniya, nais niyang makipagtulungan ang mga magulang sa mga doktor na hirap na hirap na rin sa labang ito.

"Sa mga parents na nakakabasa nito, please magtulungan tayo, hindi po ito ang tamang panahon sa malling to have fun, magtulungan tayo mawala ang Covid. Protect your children. Paulit-ulit na ire-remind ko po as a doctor. Hindi n'yo 'yan maalagaan sa hospital kahit na lumuhod kayo sa amin, yung panandaliang saya ng anak n'yo po baka habambuhay n'yo pagsisihan.

"Pag natapos ang Covid, kahit sa mall na kayo tumira ayos lang po sa amin."

May be an image of indoor
Screengrab mula sa FB/Balitang SJDM

Narito naman ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens.

"Dati, noong di nakakalabas mga bata at di nakakapasyal, sasabihin kawawa at nakakulong lang sila sa bahay. Ngayon na napayagan na sabihin naman na bakit pinayagan, kawawa mga bata magkakasakit, ano ba talaga gusto n'yo ang gugulo n'yo san ba lalagay uung namamahala sa inyo kulit n'yo… Kung ayaw n'yo palabasin mga anak n'yo wag n'yo palabasin ganun lang un. Sakit n'yo sa bangs."

"Punta kayo ng mall kapag hindi weekends para sure na hindi marami tao. Maganda ang maingat. Wala pa sila Covid vaccine. Always wear mask kapag di kumakain sa mall, at mag-alcohol maya't maya."

"NEVER NAMIN DADALHIN SA MALL or isama sa crowded places ang mga bata namin. Magiging masaya naman sila kahit sa bahay lang as long na nakikita nila masaya magkakasama sa bahay. FOR ME NO NEED ilabas ang mga bata for their safetiness. Tama si Doc, mas mahirap yung makita ang anak na meron sakit at di mo maalagaan o malapitan man lang kaysa sa mukhang kawawa dahil nasa bahay lang. Keep safe and healthy everyone."

"For me, okay lang naman kung doble-ingat. Observe safety protocols pa rin. Syempre, mental health naman ng mga bata ang kailangang isipin."

"Your child, your rule. Ganoon lang naman kasimple. Basta face the consequences."