Nasa ilalim pa rin ng “high risk” classification para sa coronavirus disease (COVID-19) ang Negros Oriental kahit sa gitna ng patuloy na pagbaba ng mga impeksyon sa buong bansa, ayon sa independent research group na OCTA nitong Sabado, Nob. 13.
Batay sa monitoring ng OCTA mula Nob. 6 hanggang 12, ang healthcare utilization rate (HCUR) at intensive care utilization rate (ICUR) sa Negros Oriental ay nasa high risk na antas sa 74 percent at 84 percent, ayon sa pagkabanggit.
Ang positivity rate ng rehiyon ay nasa kritikal na antas sa 28 percent, higit na mataas sa pamantayan ng World Health Organization na 5 percent lang.
Samantala, pinunto ni David na ang Metro Manila ay nananatiling nasa “low risk” classification para sa COVID-19.
Ang seven-day average sa rehiyon ay nasa 427 kada araw habang ang weekly growth rate ay nasa minus (-) 5 percent.
Bukod dito, ang HCUR, ICUR at positivity rate ng Metro Manila ay nasa low risk level habang ang average daily attack rate (ADAR) o incidence rate ay nananatiling “moderate” sa 3.02 kaso bawat araw sa bawat 100,000 populasyon.
Samantala, sinabi ng OCTA na ang Cavit, Bulacan, Davao del Sur, Laguna, Pampanga at Cebu ay nasa “very low risk” classification para sa COVID-19.
Ellalyn De Vera-Ruiz