Arestado ang isang may-ari ng “sari-sari” store matapos magbenta ng pekeng COVID-19 vaccination cards sa Caloocan City, anunsyo ng pulisya nitong Nob. 13, Linggo.

Kinilala ni Police Col. Samuel Mina, Caloocan City police chief, ang suspek na si Benjamin Marilao, 52, residente ng Bagong Silang, Caloocan.

Ayon kay Mina, agad silang nagsagawa ng operasyon sa tindahan ni Marilao bandang alas-11:00 ng umaga noong Nob. 7 matapos makatanggap ng ulat ukol sa ilegal na gawain ng suspek.

Isang undercover agent ang nagsilbing buyer ng mga pekeng card na ibinebenta ni Marilao sa halagang P500 bawat piraso.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Narekober ng pulisya sa suspek ang ilang pekeng vaccination card at isang computer.

Larawan mula sa Caloocan PIO

Kakasukahan si Marilao ng falsification of public documents.

Samantala, hinimok ni Caloocan City Mayor ang mga residente na magpabakuna para sa kanilang proteksyon laban sa COVID-19, sa halip na tumangkilik sa ganitong uri ng gawain.

Dagdag niya, ang mga taong mahuhuling mamemeke ng parehong dokumento ay parurusahan.

Aaron Homer Dioquino