Halos 70 milyong doses ng bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang naiturokna sa mahigit 31 milyong Pinoy sa bansa.

Ito ang isinapubliko ni National Task Force Against COVID-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez, Jr., nitong Sabado, Nobyembre 13.

Aniya, umabot na sa 69,028,113 doses ng COVID-19 vaccine ang nagamit na ng gobyerno dahil na rin sa patuloy na pagtaas ng daily vaccination rate.

Bilang resulta, aabot na sa 31,355,064 na mamamayan ang bakunado na, gayunman, target pa rin ng pamahalaan na makapagbakuna ng lagpas 51 milyong Pinoy bago matapos ang Disyembre ng taon.

National

#WalangPasok: Klase sa ilang mga lugar sa bansa, suspendido sa Nov. 11, 2024

"Angprimary objectivenatin dito is ma-capacitatenatin ‘yung mgaregionsna mababa angvaccination output. So that they could immediately catch up. We will have that momentum going forwardhanggangDecember 30,” paliwanag pa ng opisyal sa isang panayam.

PNA