Dumating sa bansa nitong Sabado, Nobyembre 13 ang 1,279,000 doses ng Moderna COVID-19 vaccine na inaasahang magpapaigting pa sa isinasagawang pagbabakuna ng gobyerno.
Ang nasabing bakuna na sakay ng China Airlines flight CI701 ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 dakong 10 ng umaga.
Dahil dito, aabot na sa 123.25 milyon ang kabuuang doses ng bakunang nai-deliver na sa bansa.
Kaagad namang sinalubong nina National Task Force Against Covid-19 head of strategic communications on current operations Asst. Secretary Wilben Mayor, Kenneth Gardner ng U.S. Embassy at DOH Usecretary Ma. Carolina Vidal-Taiño ang pagdating ng bakuna.
PNA