CAGAYAN - Naaresto ng mga pulis ang isang barangay chairman matapos makumpiskahan ng iba't ibang uri ng baril sa ikinasang pagsalakay sa kanyang bahay sa Enrile ng naturang lalawigan nitong Biyernes, Nobyembre 12.

Pansamantalang ikinulong sa Enrile Police Station ang suspek na si Wilfredo Dueñas, 55, at taga-Zone 1, Barangay Liwan Sur.

Sa ulat na natanggap ng Cagayan Provincial Police Office, dakong 8:00 ng gabi nang salakayin ng mga awtoridad ang bahay niDueñas sa bisa ng search warrant na ipinalabas ng korte sa kasong paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act).

Kabilang sa mga nasamsam sa suspek ang isangM14 rifle na may magazine at 12 na bala, apat na magazines ng M14 rifle, isang shotgun na may 12 na bala,tatlongrifle grenades, 42 na bala ng Cal. 45 pistol at iba pang magazine ng Cal. 45 pistol at M16 Armalite rifle.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Liezle Basa Iñigo