May cryptic tweet ang actor-writer-director na si John Lapus, nitong Nobyembre 13 ng hapon.

Aniya, "Nakakatakot at nakakasuka yung combination. Alam mong may mga balak."

Screengrab mula sa Twitter/John Lapus

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Bagama't wala naman siyang binanggit kung ano ang larangan o sino ang pinatutungkulan nito, agad na nagbigay ng palagay ang mga Twitter users na ang tinutukoy niya ay tandem nina presidential candidate Ferdinand Marcos, Jr. o Bongbong Marcos ng Partido Federal ng Pilipinas, at vice presidential candidate Sara Duterte ng Lakas CMD na inanunsyo na ang pagtatambalan nitong Nobyembre 13.

Narito ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

"Are you talking about #BBMSara2022? Eh paano kung mananalo sina Leni at Sara as Pres and VP respectively? Would that be interesting na 2 women will lead the Philippines?"

"Kapag nanalo si Sara as VP, hindi nila patatahimikin si Leni. They will do everything para ma-impeach siya so they can get back the presidency."

"Walang honor and integrity pero puno ng kapangyarihan, makinarya, pera, at army of trolls."

"Dapat mag-aksyon naman ang Comelec sa ginagawa ng mga politikong magpa-file ng candidacy later on babawiin. Ginagawa na nilang laruan ang politika."

"Yes may plano sila, para sa ikabubuti ng Pilipinas! Perfect tandem silang dalawa, parehong malakas! Kakampinks and Pinklawans are shaking na!!!"