Hindi na nakapagpigil pa ang dating Kapuso actress na si Iwa Moto nang ilarawan niya ang mga 'plot twist' na nangyayari ngayon kaugnay ng halalan 2022 sa 'teleserye' o mga soap opera sa telebisyon.

Makikita sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 12 ang kaniyang photo message.

"OMG. Yung Halalan 2022 napakagulo… dinaig pa ang mga plot twist ng mga teleserye! Dapat hindi halalan 2022 eh. Dapat Teleserye 2022," ayon sa kaniyang IG post.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Screengrab mula sa IG/Iwa Moto

Isa sa mga celebrity na nagkomento rito ay si Ciara Sotto. "So may alam ka? Hahahahaha! Share mo nga sa 'kin," aniya.

Si Iwa Moto ay longtime partner ni Panfilo Lacson, Jr. na dating asawa ni Kapamilya actress Jodi Sta. Maria. Si Panfilo Lacson, Sr. ay presidential candidate at ang kaniyang running mate naman ay si Senate President Tito Sotto III, na tatay naman ni Ciara Sotto.

Samantala, ang pinakamalaking plot twist ngayon, Nobyembre 13, ay ang pagtakbo bilang pangalawang pangulo ni Davao City mayor Sara Duterte sa ilalim ng Lakas CMD, at ang pag-adopt naman sa kaniya ni presidential aspirant Bongbong Marcos ng Partido Federal ng Pilipinas, bilang running mate.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/13/bbm-sara-tandem-sa-halalan-2022-kasado-na/