Matapos ang 14 taon ng conservatorship, sa wakas ay nakalaya na rin mula rito ang tinaguriang 'Princess of Pop' na si Britney Spears.
Nitong Biyernes, Nobyembre 12, Friday, ibinasura na ni Los Angeles County Superior Court Judge Brenda Penny ang conservatorship ng 39 anyos na pop idol. Sa naturang conservatorship, wala siyang sariling pagdedesisyon kung ano ang mga gagawin sa buhay niya, kung sino ang kaniyang makakahalubilo, at kung paano niya gagastusin ang sariling pera niya. Lahat ay kailangang dumaan sa kaniyang ama at sa management team niya.
Sa kaniyang tweets, ipinahayag ni Britney ang kaniyang labis na kasiyahan sa panibagong yugtong ito ng buhay niya. Sa wakas, 'hawak na niya ang sariling buhay' na matagal nang naipagkait sa kaniya. Tinawag niya itong 'best day ever'.
"Good God I love my fans so much it’s crazy!!! I think I’m gonna cry the rest of the day!!!! Best day ever… praise the Lord…" saad niya sa kaniyang pinned tweet kalakip ang hashtag na #FreedBritney.
"#FreeBritney movement… I have no words… because of you guys and your constant resilience in freeing me from my conservatorship… my life is now in that direction!!!!! I cried last night for two hours cause my fans are the best and I know it…" saad pa niya sa isang tweet para naman sa isinagawang #FreeBritney movement ng kaniyang mga tagahanga.
"The time has come after more than a decade for the conservatorship to be terminated in its entirety," pahayag naman ng legal counsel ni Britney na si Mathew Rosengart.
Bagama't tapos na ang conservatorship ni Britney, ipinaliwanag naman ni Rosengart na mananatili ang accountant na si John Zabel sa pag-aasikaso at pagpoproseso ng mga papeles upang mailipat na mismo kay Britney ang kaniyang mga assets.
Iimbestigahan din nila umano ang mismong ama ni Britney na si Jamie Spears hinggil sa umano'y paggastos nito sa mga pera ng anak upang pambayad sa mga personal na bills. Kapag napatunayang ginamit nito ang pera ng anak sa mga personal na bagay, kakasuhan umano ni Briteny ang sariling ama.
“What’s next for Britney — and this is the first time that this could be said for about a decade — is up to one person: Britney,” saad pa ng legal counsel sa mga reporters matapos ang isinagawang hearing tungkol dito.
Samantala, noong Setyembre 2021 kung saan sinuspinde ng korte ag pagiging conservator ni Jamie Spears sa kaniyang anak, sinabi ng kaniyang kampo na kawalan kay Britney ang desisyong ito ng korte. Ayon sa ulat ng 'Vanity Fair', ang pumalit kay Jamie ay ang accountant na si John Zabel. Naglabas ng pahayag ang abogado ni Jamie na si Vivian Thoreen.
"Mr. Spears loves his daughter Britney unconditionally. For thirteen years, he has tried to do what is in her best interests, whether as a conservator or her father. This started with agreeing to serve as her conservator when she voluntarily entered into the conservatorship. This included helping her revive her career and re-establish a relationship with her children."
"For anyone who has tried to help a family member dealing with mental health issues, they can appreciate the tremendous amount of daily worry and work this required. For Mr. Spears, this also meant biting his tongue and not responding to all the false, speculative, and unsubstantiated attacks on him by certain members of the public, media, or more recently, Britney’s own attorney."
"Despite the suspension, Mr. Spears will continue to look out for the best interests of his daughter and work in good faith towards a positive resolution of all matters."
Matatandaang nagkaroon ng mental health issues si Britney kaya paunti-unti ay nawala siya sa limelight.
Sumikat nang husto si Britney Spears bilang isang pop icon noong 90s. Pinasikat niya ang mga awiting 'Oooppss... I Did It Again', 'Lucky', 'Toxic', at iba pa.