May latest tweet ang Kapamilya star na si Enchong Dee na may himig-'pamamaalam' sa kaniyang mga tagahanga.
Nagtapos na kasi ang teleseryeng 'Huwag Kang Mangamba' nitong Biyernes, Nobyembre 12, 2021 kaya naman namaalam at nagpasalamat siya sa mga tagahanga at tagasuporta na sumubaybay sa kanilang serye. Gumanap siya rito bilang isang pari.
"Maraming Salamat Kapamilya! Hanggang sa muli… mamiss ko kayo #HuwagKangMangamba," ayon sa tweet ni Enchong nitong Nobyembre 13.
Tikom naman ang bibig niya sa cyber libel case na isinampa sa kaniya ni Representative Claudine “Dendee” Bautista-Lim na nag-ugat sa alegasyon ng Kapamilya actor na napunta sa kanilang magarbong kasalan ng kaniyang mister ang pondo para sa mga tsuper. Si Bautista ang chairman ng party-list na Drivers United for Mass Progress and Equal Rights (DUMPER).
Samantala, nitong Biyernes, Nobyembre 12, ay naglabas din ng opisyal na pahayag si Bautista hinggil sa isyung ipinupukol naman sa kaniya ngayon ng mga netizens kung bakit ngayon lamang umano siya naghain ng reklamo laban sa aktor at iba pang mga personalidad.
Aniya, Agosto pa pala nila naisampa ang kaso laban kay Enchong at sa iba pa.
"On news reports regarding my filing of a cyber libel complaint against certain personalities, I would like to clarify that any legal action coming from us was instituted back in August of this year, upon my husband’s insistence and in response to the malicious allegations made against me at that time.”
Gusto na sanang manahimik ni Bautista subalit ang nanghikayat sa kaniya na ipagpatuloy ang kaso ay ang kaniyang mister na si Tracker Lim.
"While I would have preferred to be silent about this matter, my husband, like any good and loving family man, took it upon himself to seek redress from the legal system, to protect me and our family from baseless and damaging claims made against us.”
Naapektuhan pala ng stress sa isyu ang kaniyang pagdadalantao.
“Despite initial reservations, he and his lawyers chose to pursue the case, not just because he and his family — who value their privacy and are focused on their businesses — were unfairly dragged into the whole issue, but also, or more so, because he saw the heavy toll that the attacks took on my health, particularly on my sensitive pregnancy."
"The anxiety, anguish, humiliation and the impact on my and my family’s reputation left us no choice but to file cases against those responsible for causing us so much grief and worry, which almost led to me losing our baby, and which adversely affected some of our constituents’ trust in us.”
"As we have the utmost respect for our legal system, we filed the case in August without fanfare. We are not aware of how the media learned about the case and why it was published in the news recently.”
Samantala, noong Agosto 17 ay naglabas na ng kaniyang public apology si Enchong.
"With deep regret, I would like to apologize to Congresswoman Claudine Bautista, her husband, their families, and the Dumper Partylist."
“I reacted based on impulse without thinking of the consequences nor the harm it may cause."
May mga tagahanga naman ni Enchong na nagpaabot ng kanilang pagsuporta para sa kaniya, sa kabila ng mga nangyayari ngayon sa personal niyang buhay.
"Don't mind the harassment suit. It is baseless; speaking from a legal standpoint. The SC has clarified that too many times already. Private citizens do not deserve to suffer from whimsical harassment suits filed by elected officials."
"We are behind you!"
"Kaya mo 'yan, Enchong! No matter what, fan mo pa rin kami."