Hindi lamang mga mag-aaral ang kailangang mag-adjust sa bagong modality ng pagtuturo at pagkatuto ngayon kundi ang mga magulang o guardians, lalo na sa mga mag-aaral na nasa elementarya. Sila kasi ang direktang katuwang ng mga guro upang maging matagumpay ang kanilang online class, o self-learning sa pamamagitan ng modules.

Kaya naman, nalugod ang isang gurong nagngangalang Rodney David Nicodemus, isang Math teacher sa Bulwang Elementary School, District of Numancia, Aklan, matapos niyang ibahagi sa Facebook post nitong Oktubre 27, ang kaniyang 'face-to-face' class sa kaniyang kaisa-isang mag-aaral; pero hindi ito bata kundi isang 79 anyos na lola na si Lola Merlita Militar.

Larawan mula sa FB/Rodney David Nicodemus

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

May be an image of child and indoor
Larawan mula sa FB/Rodney David Nicodemus

May be an image of child and indoor
Larawan mula sa FB/Rodney David Nicodemus

Ayon sa guro, ito umano ang ikalawang beses na nakiusap sa kaniya ang guro na turuan siya ng mga aralin sa Matematika, upang magabayan at maturuan niya ang mga apo na masagutan ang kanilang mga aralin sa module.

Kuwento ni Lola Merlita, nahihirapan siyang turuan ang kaniyang mga apo pagdating sa mga aralin sa Matematika dahil hindi naman umano siya nakapagtapos ng pag-aaral. Siya ang tagapangalaga ng 11 anyos at 4 anyos na apo dahil nagtatrabaho sa Cebu City ang mga magulang nito.

Pinuri naman ng mga netizens ang guro at ang lola dahil sa kanilang hatid na inspirasyon sa mga magulang, guardians, at mag-aaral na nahihirapan sa kasalukuyang set-up ng pag-aaral.

"Nakaka-inspire po kayo, lola! Sana magsilbing inspirasyon po ito sa mga magulang na may kakayahan namang magturo sa kanilang mga anak. Kung si lola nga ay nakakaya pang mag-aral, tayo pa kaya?"

"How I wish na kasama ko pa ang lola ko dahil for sure, gagawin din niya iyan. Inquisitive kasi si lola ko na nasa langit na."

"Thank you Teacher Rodney for exerting an extra mile para sa mga kagaya ni Lola Merlita na hindi hadlang ang kasalatan sa pormal na edukasyon para hindi magawang maipakita ang pagmamahal niya sa mga apo niya. Parang ang taas-taas ng pinag-aralan niya, iyan ang tingin ko sa kaniya."