Inihahanda na ng 17 na alkalde ng Metro Manila ang panuntunan para sa sellers at personnel ng Christmas bazaars at iba pang seasonal markets sa National Capital Region, lalo na nagsimula nang dumadagsa ang mga mamimili ngayong Kapaskuhan.

Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority Chairman Benhur Abalos,nagkasundo ang mga alkalde ng Metro Manila na magpatupad ng unified standard sa operasyon ng mga bazaars, tiangges, at pop-up stores sa ilalim ng Alert Level 2.

Sa MMDA Resolution No. 21-27, ang lahat ng traders, salespersons, exhibitors, organizers, at ibang personnel ay inoobliga na magpabakuna bago sila payagang makapag-operate ng Christmas bazaars, tiangges, at pop-up stores.

“These will help reduce risk of transmitting the virus since they are seasonal in nature and sellers come from various parts of the country making contract tracing difficult on the part of the local government units,” pahayag pa ng opisyal ng MMDA.

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Bella Gamotea