Inaabangan na ng milyon-milyong fans ng multi-awarded singer-songwriter na si Taylor Swift ang muling release ng "Red (Taylor's Version)" ngayong Biyernes, Nob. 12.

Matatandaang noong Hunyo ngayong taon unang inanunsyo ni Taylor ang release ng Red (Taylor’s Version), dalawang buwan matapos niyang ilabas ang Fearless (Taylor’s version).

“Musically and lyrically, Red resembled a heartbroken person. It was all over the place, a fractured mosaic of feelings that somehow all fit together in the end. Happy, free, confused, lonely, devastated, euphoric, wild, and tortured by memories past. Like trying on pieces of a new life, I went into the studio and experimented with different sounds and collaborators. And I’m not sure if it was pouring my thoughts into this album, hearing thousands of your voices sing the lyrics back to me in passionate solidarity, or if it was simply time, but something was healed along the way,” ani Taylor sa kanyang anunsyo noong Hulyo.

Kabilang sa mga artists na itatampok sa album ay sina Chris Stapleton, Phoebe Bridgers at Mark Foster.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Maririnig din sa vault tracks ang kauna-unahang kantang sinulat ni Taylor at Ed Sheeran noong 2012.

Sa unang anunsyo ni Taylor, binanggit din nito ang isang track na umabot ng mahigit sampung minutong listening duration.

“This will be the first time you hear all 30 songs that were meant to go on Red. And hey, one of them is even ten minutes long.”

Kalauna’y tinukoy ang kantang “All Too Well” na pinaghahanguan pa ng isang short film na mismong si Taylor dinang writer at director.

Tampok sa short film sina Sadie Sink at DylanO’brien na mapapanuod sa Youtube kasabay ng release ng buong album.

Matatandaang noong 2020, kinumpirma ni Taylor na nawalan siya ng karapatan sa kanyang unang anim na studio albums matapos ibenta ang mga ito ng music mogul na si Scooter Braun sa isang investment fund.

Noong 2019, ibinahagi ni Taylor na maaari niyang muling ma-record ang kanyang unang anim na studio albums simula Nobyembre 2020 upang tuparin ang kondisyon na maaari lang muling ma-record ang kanyang mga kanta dalawang taon matapos mag-expire ang kanyang kontrata sa dating record label o limang taon matapos mapagkakitaan ito.

Matapos ang Fearless (Taylor’s version), ang Red ang ikalawang album na muling ni-record ng multiplatinum artist.