Inaprubahan na ng Kamara sa ikalawang pagbasa ang panukalang amyendahan ang pagsuspinde sa excise tax ng langis sa gitna ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo nito.
Sa House Bill 10438 na inakda ni House Committee on Ways and Means chairman, Albay Rep. Joey Salceda, layunin nitong mabawasan ang excise taxes sa diesel, kerosene, at liquefied petroleum gas na kadalasang ginagamit ng mga tsuper
Binanggit ng kongresista na kung maaprubahan ng mababang kapulungan ang panukala sa ikatlo at huling pagbasa ay agad itong ipapadala sa Senado ngayong buwan.
Bert de Guzman