DAVAO CITY- Hiniling ni Presidential daughter at Davao City Mayor Sara Duterte sa kanyang mga tagasuporta na huwag magsagawa ng “campouts” at pagtitipon sa labas ng tanggapan ng Commission on Election (Comelec).

“Sa lahat ng aking mga taga-suporta, pati na po sa mga miyembro ng media -nakikiusap po ako sa inyo na sana ay huwag na kayong mag-camp-out sa labas ng Comelec,” sabi ni Duterte sa isang pahayag nitong Biyernes.

“Hindi na kailangan mag-camp-out pa dahil meron pang pandemya at ayoko kayong magkasakit. Isipin nyo rin po sana ang kalagayan ng inyo,” dagdag niya.

Dagdag ni Duterte, na nanumpa kamakailan bilang kasapi ng Lakas-CMD sa Silang, Cavite noong Huwebes, na nakabalik na siya sa Davao.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“Nakikiusap din ako sa mga nasa probinsiya na huwag kayo bumiyahe papunta Manila nandito lang po ako sa Davao City dahil sa sunod-sunod na pag-ulan at pagbaha,” pakisuap nito.

Sa huli, nagpahayag siya ng paghanga sa dedikasyon ng kanyang mga tagasuporta at ng media sa kanilang pagsusumikap.

“Magbibigay po ang mga spokesperson ng opisyal na pahayag, magbibigay po ng mga picture at video para sa inyo lahat.”

Zea Capistrano