Sa opisyal na pahayag ni Dumper Philippines Taxi Drivers Association, Inc (Dumper-PTDA) PartylistRep. Congresswoman Claudine Diana Bautista-Lim kaugnay ng pagsampa ng kasong libel sa ilang personalidad, ibinahagi nito ang ilang dahilan kung bakit itinuloy ang kaso.

Pagbubunyag ng kongresista, Agosto pa nang ihain ng kanyang kampo ang reklamong cyber libel laban sa ilang personalidad matapos igiit ito ng kanyang asawa bilang tugon sa “malicious allegations” na ibinato laban sa kanya at sa kanyang pamilya.

Nitong Huwebes, Nob 11, pumutok ang balitang nahaharap sa 1 billion cyber libel case ang aktor na si Enchong Dee kaugnay ng pahayag nito ukol sa naging enggrandeng kasal ng drivers representative noong Agosto sa Balesin Island.

Basahin: Enchong Dee, kakasuhan ng ₱1-B libel case – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“While I would have preferred to be silent about this matter, my husband, like any good and loving family man, took it upon himself to seek redress from the legal system, to protect me and our family from baseless and damaging claims made against us,” pagbabahagi ni Bautista-Lim sa isang pahayag nitong Biyernes, Nob. 12.

Dagdag ng kongresista, itinuloy ng kanyang asawa ang paghahain ng reklamo sa kabila ng pagpapahalaga nito sa kanilang pribadong buhay matapos makita ang naging epekto ng kontrobersiya sa kanyang “sensitive pregnancy.”

Matapos makaladlad sa isyu, muntik pa umanong malaglag ang bata sa sinapupunan ni Bautista-Lim.

Opisyal na Pahayag ni Rep. Claudine Bautista-Lim

“The anxiety, anguish, humiliation and the impact on my and my family’s reputation left us no choice but to file cases against those responsible for causing us so much grief and worry, which almost led to me losing our baby, and which adversely affected some of our constituents’ trust in us,” dagdag ni Bautista-Lim.

Dahil sa lubos na paggalang sa sistemang legal, naghain ng reklamo ang kanilang kampo noong Agosto na lingid sa kaalaman ng publiko. Hindi umano alam nina Bautista-Lim kung paanong lumabas ang balita sa publiko.

“However, despite this, we trust that the court will resolve this in a fair and judicious manner,” ani Bautista-Lim.

Sa huli, nangako ang kongresista na patuloy niyang ibubuhos ang kanyang panahon para pagsilbihan ang kanyang nasasakupan habang siya ay walong-buwan nang nagdadalang-tao.

“Para sa akin, ngayong panahon ng COVID-19, mas mabuti pang pagtuunan natin ng pansin ang pagtulong sa ating kapwa."

Samantala, wala pang pahayag si Enchong Dee kaugnay sa kasong isinampa laban sa kanya.