Nangako nitong Biyernes, Nob. 12 ang bagong hinirang na hepe ng Philippine National Police (PNP) na si Police Lt. Gen Dionardo Carlos, na ihahatid niya ang Double Barrel Finale “Version 2021” laban sa operasyon ng ilegal na droga sa bansa.

“We will implement even more strongly our Enhanced Managing Police Operations Programs against criminality and our Double Barrel Finale “Version 2021” against illegal drugs. We will improve these programs as necessary and introduce reforms as needed as we strive to make more potent these tools against crime and illegal drugs,” sabi ni Carlos sa isang talumpati sa naganap na turnover of commands sa Camp Crame nitong Biyernes, Nob. 12.

Ang turnover of command ay pinangunahan ni Interior Secretary Eduardo Ano bilang kinatawan ni Pangulong Duterte.

Ang formal assumption kay Carlos bilang ika-27 na hepe ng pulisya ay magbibigay sa kanya ng fourth star. Hindi tulad sa kasundaluhan na ang pagtatalaga sa mga matataas na posisyon ay nangangailangan ng basbas ng Commission on Appointments, hindi na ito kailangan sa pagtatalaga ng PNP chief.

National

4.5-magnitude na lindol, yumanig sa Surigao del Norte

Kinuha ni Carlos ang pamumuno sa 222,000 miyembro ng PNP mula kay Police General Guillermo Eleazar na nakatakdang umabot sa mandatory retirement age na 56 sa Sabado, Nob. 13, ngunit isang araw naka-iskedyul ang turnover.

Nakilala si Eleazar sa pagpapatupad ng Intensified Cleanliness Policy na nagsimula sa pagtiyak na malinis at presentable ang lahat ng police stations at community precints sa bansa.

“The Intensified Cleanliness Policy of General Eleazar will remain in high gear. Every problem regardless of its severity will be addressed with the same attention and intensity,” pangako ni Caros sa patuloy na implementasyon ng programa sa kanyang pamumuno.

Tiniyak din niya ang pagpapatuloy ng fiscal transparency and accountability na sinabi niyang pinasimulan ng dating PNP chiefs Archie Gamboa at Debold Sinas.

Nangako ring ipagpapatuloy ni Carlos ang physical fitness program sa mga kapulisan.

“And while we continue to reform as we perform, we will give a much needed boost to the PNP’s physical fitness program, the PNP Body Mass Index Program will be your personal or individual responsibility to stay fit because our job needs us to be fit,” ani Carlos.

“It will not however bar you from your promotion and undergoing a schooling. Our men and women need to be in top physical shape as we continue to do our share as frontlines in addressing the pandemic,” dagdag niya.

Si Carlos ay miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class 1988. Magsisilbi siyang hepe ng pulisya hanggang Mayo 8, 2022.

Aaron Recuenco