Inamin ni Vice President Leni Robredo nitongNobyembre 12, na hindi siya apektado sa posibilidad na makakalaban nito sa pagka-pangulo si Davao City Mayor Sara Duterte sa 2022 national elections.
Sa kanyang pagbisita sa Cebu City nitong Biyernes, sinabi nito na nakatuon lamang siya sa kanyang kandidatura.
Aniya, kasama na sa kanilang inaasahan ang posibilidad na tunggalian nila ng alkalde.“Ako kasi laban lang namin iyong inaasikaso namin. Kami naman when we decided, kabahagi na siya ng expectations. Kabahagi na ng expectations pero I don’t think iyong galaw namin should be affected by external decisions,” tugon ni Robredo nang tanungin ng mga mamamahayag kung sino kina Duterte at Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mas malakas na makakalaban nito sa pinakamataas na posisyon sa bansa.
“Sa amin, klaro sa amin iyong focus kaya hindi naman kami bothered," aniya.
Nagtungositosa Cebu upang makipagpulong sa iba't ibang sektor sa lipunan at sa mga youth leaders at upang pangunahan din nito ang pagbibigay ng "sustainable and training subsidies" sa Pagtambayayong Foundation.
Naging mainit ang pagtanggap kay Robredo ng mga supporters nito na pawang nakasuot ng pink t-shirts mula nang dumating ito saMactan Cebu International Airport.
“Actually, sobrang overwhelming. Sobrang overwhelming nung support. From the time we got out of the plane this morning, hindi ko pa naranasan ito from before,"paglalahad pa nito.
Betheena Unite