Opisyal na magsisimula sa kanilang operasyon nitong Biyernes, Nob. 12 ang ika-14 na molecular laboratory ng Philippine Red Cross (PRC) sa Maguindanano.

Ito’y matapos makatanggap ng License to Operate mula sa Department of Health (DOH) nitong Nob. 11 ang molecular laboratory ng PRC Cotabato City-Maguindanao.

Pasado sa efficiency test na itinakda ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) nitong Oktubre ang naturang molecular laboratory.

“Layunin ng Philippine Red Cross na mas marami pa ang ating ma-test upang maiwasan natin ang hawaan ng COVID-19 (The Philippine Red Cross aim,” sabi ni PRC Chairman and Chief Executive Officer (CEO) Dick Gordon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“Sa ngayon ay 200 test per day lamang ang capacity ng Cotabato Regional and Medical Center, at sa pamamagitan ng bagong molecular laboratory ay mas mapapabilis natin at mapapalakas ang COVID-19 response sa mga lugar na nasasakupan nito,” dagdag niya.

Naging posible ang pagpapatayo sa bagong molecular laboratory sa pakikipag-ugnayan ng PRC sa International Committee of the Red Cross (ICRC).

Ayon sa PRC, ang bagong laboratoryo ay may dalawang polymerase chain reaction (PCR) machines at isang ribonucleic acid (RNA) extractor na kayang magsagawa ng 2,000 tests sa isang araw para sa Maguindao, North Cotabato, South Cotabato at Davao City.

Sa pamumuno ni Gordon, nakapagtayo ng molecular laboratories sa mga strategic areas sa bansa upang gawing mas accessible sa mga tao ang COVID-19 test.

Mula Nob. 11, nakapagtest na ng kabuuang 1,870,989 ang PRC.

Sa mahigit 281 molecular laboratories sa bansa, ang PRC ang may pinakamalaking output sa lahat ng mga organisasyon nagbibigay ng testing services kung saan 21 percent ang bahagi nito sa national testing output ng bansa.

Bilang parte ng PRC sa pagtugon sa COVID-19, pinalakas din ng PRC ang mga hakbang nito sa pagbabakuna upang mas maraming tao ang maprotektahan laban sa COVID-19 sa lalong madaling panahon.

Sa pag-uulat, nasa kabuuang 393,617 indibidwal na ang nakabunahan laban sa COVID-19 sa mga “Bakuna Centers” at “Bakuna Buses” ng PRC sa buong bansa.

Merlina Hernando-Malipot