Inaresto ng pulisya si Peter Joemel Advincula o alyas "Bikoy" dahil sa pagpatay umano sa isang konsehal at sa dalawa pang kumakandidato sa pagka-konsehal sa Albay nitong Biyernes, Nobyembre 12.

Photo: Daraga MPS via 101.5 Brigada News FM Sorsogon/FB

Sa report ng pulisya, natagpuang patay sa loob ng 'ukay ukay' store si incumbent Municipal Councilor Helen Advincula, na tumatakbong vice mayor, at dalawa pang kandidatong konsehal sa Donsol, Sorsogon na sina Kareen dela Rosa Averilla at Xavier Alim Mirasol na kapwa ring negosyante sa Donsol, Sorsogon.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Photo: Brigada 91.5 News FM Legazpi/FB

Naiulat na dinukot umano ang mga biktima sa Daraga, Albay nitong Biyernes ng madaling araw, Nobyembre 12.

Sa paunang ulat ng Daraga Municipal Police Station, isang Laline Herrera Amor ang nagsabing ang mga biktima ay makikipagkita umano sa coordinator ng BBM party.

Gayunman, bigla na lamang nawala ang mga ito nang makipagkita kay "Bikoy."

Kinumpirma ng mga kamag-anak umano ng konsehal na patay na ito at maging ang mga kasama nito.

Hawak na ng Daraga Municipal Police Station si Bikoy habang patuloy na iniimbestigahan ng pulisya.

Matatandaan na idinawit ni Bikoy ang pamilyang Duterte sa umano'y bentahan ng ilegal na droga sa bansa 

Photo: Brigada 91.5 News FM Legazpi/FB

Mayroon din siyang inilabas na YouTube clips na may titulong "Ang Totoong Narco-list," bago ang 2019 midterm elections, kung saan sinasabi na ang mga drug money ay napupunta umano sa mga bank accounts ng anak ni Duterte na si dating Davao City Vice Mayor Paolo Duterte, manugang na si Atty. Manases Carpio at Senator Bong Go.

Nauna ring sinabi ni Bikoy na wala umanong kinalaman ang mga Liberal Party sa naturang viral video.

Gayunman, kalauna'y sinabi niyang "kasinungalingan" ang lahat ng nasa viral video. Sinabi rin niya na ang kanyang mga pahayag ay "orchestrated" ni dating Senador Antonio Trillanes IV at ng Liberal Party, bagay na agad itinanggi ng opisyal at ng partido.