Inanunsyo nitong Biyernes, Nobyembre 12, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), organizer ng taunang Metro Manila Film Festival (MMFF), ang lineup ngayong taon para sa annual film festival sa pag-arangkada ulit nito sa Disyembre.

Ang opisyal na lineup ng entries sa MMFF 2021 ay ang mga sumusunod:

1. “A Hard Day”

Starring Dingdong Dantes and John Arcilla, directed by Lawrence Fajardo

Metro

Mga deboto ng Jesus Nazareno, maaaring sumakay sa LRT-1 nang nakayapak

Production: Viva Communications, Inc.

2.“Big Night”

Starring Christian Bables, directed by Jun Robles Lana

Production: Cignal Entertainment, Ideafirst Company, Octobertrain Films, and Quantum Films

3. "Love At First Stream"

Starring Anthony Jennings, Jeremiah Lisbo, Daniela Stranner, Kaori Oinuma

Production: ABS CBN Films Productions, Kwentolabs, Inc.

4. “Kun Maupay Man It Panahon (Whether The Weather Is Fine)”

Starring Daniel Padilla and Charo Santos directed by Carlo Francisco Manatad

Production: Cinematografica, Plan C, House on Fire, etc.

5. "Nelia"

Starring WynWyn Marquez, Raymond Bagatsing, directed by Lester Dimaranan

Production: A and Q Production Films

6. “Huwag Kang Lalabas”

Starring Kim Chiu, Beauty Gonzales, Aiko Melendes, directed by Adolf Alix Jr.

7. "The Exorsis"

Starring Toni and Alex Gonzaga

directed by Fifth Solomon

Production: TinCan

8. "Huling Ulan sa Tag-Araw"

Starring Ken Chan and Rita Daniela

directed by Louie Ignacio

Production: Heaven's Best Entertainment

Pinili ang walong official entries buhat sa 19 na pelikula matapos ang ebalwasyon.Ang napiling entries ay base sa mfa sumusunod na criteria: Artistic Excellence – 40%; Commercial Appeal – 40%; Filipino Sensibility – 10% at Global Appeal – 10%.

Nanawagan si MMDA at MMFF concurrent chairman Benhur Abalos sa publiko na makiisa sa Filipino entertainment industry at ibang stakeholders upang maging matagumpay ang MMFF 2021 at ng muling pagbubukas ng mga sinehan.

"The long wait is over. There is no stopping the Metro Manila Film Festival. We are bringing back the MMFF to the silver screens that have been shut down for almost two years due to the coronavirus pandemic ," sabi ni Abalos sa gitna ng pag-anunsyo sa official entries sa Quezon City nitong Biyernes.

Idinagdag nito na itatampok ng MMFF 2021 ang diverse line-up ng walong pelikula na mula sa social drama, horror, action, suspense, romance, hanggang comedy horror.

Inihayag pa ni Abalos na nagtakda ng guidelines ang Inter-Agency Task Force at ng Department of Trade and Industry upang siguruhin na masusunod ng mga sinehan ang lahat ng safety protocols at sinabing "nahaharap pa tayo sa mga banta ng COVID-19 sa kabila ng pagluwag ng restrictions."

Bukod sa mapapanood ng movie entries sa mga sinehan,magsasagawa rin ang film festival 2021 ng parada at awards night sa Disyembre.

Ang MMFF ay taunang event na isinasagawa sa tuwing Pasko na pangunahing inorganisa upang isulong at pagbutihin ang preserbasyon ng Philippine cinema. Ang kikitain mula sa film festival ay mapupunta sa bilang ng mga benepisyaryo sa industriya ng pelikula.

Bella Gamotea