Pinaghahandaan na ni Jack Animam ang kanyang gagawing pinakamalaking hakbang sa kanyang basketball career.

Planong lumahok ng Filipina basketball ace sa darating na 2022 WNBA Rookie Draft para sa katuparan ng kanyang pangarap na makapaglaro sa world's elite women's basketball league.

"Yes, I will apply for next year's draft," pahayag ni Animam sa isang panayam sa kanya online.

Sa edad nyang 22-anyos, napatunayan na ni Animam at patuloy pa ring pinatutunayan na karapat-dapat spya sa WNBA.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Sa ngayon ay naglalaro si Animam para sa koponan ng Radnicki Kragujevac sa First Women's Basketball League of Serbia.

Mula ng maglaro sa kanila si Animam, naipanalo ng Radnicki ang apat sa huling pito nilang laro kung kaya umangat sila sa upper half ng team standings.

Kumpiyansa naman ang mentor ni Animam, si Gilas Pilipinas Women's head coach Patrick Aquino na makukuha ito sa draft.

"I believe in her talent and competitiveness. But then again, the challenges of going there are really hard. She needs more good and impressive games and work more on her weaknesses so she can give her best in the draft," pahayag ni Aquino.

Kung sakali, si Animam ang magiging unang Filipina na lalahok at makukuha sa WNBA draft.

Sa ngayon ay nakatuon si Animam sa pagtulong sakanyang koponan upang mas umangat at maipakita na rin na karapat-dapat siyang mapili sa darating na WNBA draft.

Marivic Awitan