Isang sweet birthday message ang inihandog ng sexy actress-vlogger na si Ivana Alawi para sa kaniyang inang si Fatima Marbella, na mababasa sa kaniyang social media posts.

Sa kaniyang Instagram post nitong Nobyembre 8, pinuri niya ang kaniyang mama na sa palagay na siyang nagturo sa kanilang magkakapatid kung paano maging malakas, matatag, mabuti ang puso, at mapagbigay.

"You are that one person who never stopped believing in me and in my dreams. Thank you for raising us to be strong, kind hearted and giving as you are," caption ni Ivana sa kaniyang Instagram post.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/08/ivana-may-sweet-birthday-message-sa-kaniyang-ina-thank-you-for-raising-us-to-be-strongp>

Sa Facebook post naman, pinasalamatan niya ang ina dahil sa hindi nito pagsuko na maipasok siya sa showbiz---na bata pa lamang ay pangarap na niya.

Pelikula

‘Lagot ka kay Bro!’ Zaijan Jaranilla, Jane Oineza nagsagpangan sa bagong pelikula

"Dear Mama Alawi"

"You are that one person who never stopped believing in me and on my dreams, Kahit nawalan na ako ng hope na mag katotoo ang mga dreams ko noon na mapanood ako sa TV. Hindi ka parin tumigil at sinesend mo mukha ko sa mga talent managers hahaha," ayon sa sikat na vlogger.

"Pero tama ka God's timing is always perfect."

"Thank you for raising us to be strong, kind hearted and giving as you are, You are the best mama. Happy birthday we love you!"

Larawan mula sa FB/Ivana Alawi

May be an image of 2 people and people standing
Larawan mula sa FB/Ivana Alawi

May be an image of one or more people, people standing and outdoors
Larawan mula sa FB/Ivana Alawi

May be an image of one or more people and people standing
Larawan mula sa FB/Ivana Alawi

Kalakip nito ang mga throwback photos nilang mag-iina, kasama ang kaniyang mga kapatid na sina Mona, Amira, at Hashim. Ngunit ang nakatawag-pansin sa mga netizens ay ang younger version ni Mama Alawi na talagang napaka-sexy!

"Sexy ni Mama Alawi… alam n'yo na saan ako nagmana," ayon kay Ivana.

Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens:

"Sexy ni madir. Dami rin siguro nabighani sa kaniya noong araw."

"Mona's face in Ivana's body… happy birthday po Mami Alawi…"

"Ang ganda at ang sexy niya, alam na alam na namin kung kanino nagmana ng kaseksihan si Ivana! Iyan ang proof."

"Palaban din naman pala ang looks niya noong kabataan niya, manag-mana ka sa kaniya. Happy birthday po!"