Layuning mabakunahan ng Pasig City government ang 58,671 estudyante na may edad 12 hanggang 17 laban sa COVID-19 ngayong buwan, ayon kay Mayor Vico Sotto nitong Huwebes, Nobyembre 11.

Sa isang Facebook post, inanunsyo ni Sotto na target mabakunahan ng city government ang 55,000 estudyante sa public schools at 3,671 naman sa private schools.

Nang magsimula ang Nobyembre, nakikipagtulugan ang lungsod sa Pasig Schools District Office (SDO), the Pasig Alliance of Private School Administrators (PAPRISA), at Department of Education (DepEd) upang makapaglunsad ng magkahiwalay na public at private school vaccination programs.

Gayunman, inuuna muna ng lungsod ang pagbabakuna sa mga residenteng pumapasok sa mga paaralan ng Pasig.

National

Ex-Pres. Duterte, muling tinawag na ‘bangag’ si PBBM: ‘Maging ul*l si Marcos…’

Sa huling datos noong Nobyembre 8, nasa 7,763 ang kabuuang bilang ng mga menor de edad ang nakatanggap na ng first dose habang 81 naman ang  fully vaccinated.

Seth Cabanban