Patay ang magkapatid na menor de edad nang makulong sa nasusunog nilang bahay sa Barangay 185, Caloocan City nitong Huwebes ng madaling araw.

Natagpuan ang bangkay nina  Jovina, 7, at Briza Judaro, 2, sa tabi ng bintana ng kanilang bahay sa Ilang-Ilang Street, ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP).

Sa ulat ng BFP-Caloocan, bigla na lamang umanong sumiklab ang isa sa bahay sa nasabing lugar, dakong 1:30 ng madaling araw.

Dahil gawa lamang sa light materials ay mabilis na gumapang ang apoy sa mga katabing bahay.

Metro

Iskedyul para sa Undas, maagang inilabas ng Manila North Cemetery

Dakong alas 3:20 ng madaling araw ay tuluyan nang naapula ang sunog kung saan natagpuan ang bangkay ng magkapatid.

Nagsisisi naman ang ina ng dalawang bata nang hindi nila nailigtas ang mga ito dahil na rin sa bilis ng pangyayari.

Inaalam pa ng mga awtoridad ang halaga ng ari-ariang natupok at ang sanhi ng insidenteng ikinaabo ng 15 na bahay.

Orly Barcala