Para sa 74 taong gulang na showbiz columnist at talent manager na si Manay Lolit Solis, hindi naman exciting ang paglipat nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz sa GMA Network; dapat daw, sila ang magpasalamat sa GMA Network management na tinanggap sila.

Aniya, naroon man sila o wala, kayang-kaya umanong makatayo ng GMA Network dahil well-established na ito, at marami na silang biggest stars, 'so what's the bid deal' daw?

"Ewan ko Salve pero hindi ko makuha iyong logic na dapat ma-excite sa paglipat nina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz ang GMA-7. The biggest, the only rating network as of today, dapat ang ma-excite sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz na tinanggap sila ng GMA-7. With or without Bea and Lloydie hindi na matitinag pa ang GMA-7, so what is the big deal?" ayon sa kaniyang latest Instagram post.

John Lloyd Cruz (Larawan mula sa IG/Lolit Solis)

Musika at Kanta

Lisa, grabeng aura sa Coachella!

"Kung noon siguro na fierce ang rivalry ng GMA-7 at ABS-CBN, baka bongga ang pag-transfer ng dalawa. Pero now, saan pa sila pupunta? Talagang kailangang lumipat sila, at talagang pinawalan sila ng dating mother station nila. Plastic na plastic naman na dapat ma-excite nang sobra sa paglipat ng dalawa."

"Merong mga matatag at malaking stars ang GMA-7, mga loyalista ng estasyon, Marian Rivera, Dingdong Dantes, Jennylyn Mercado, at iba pa, so, dagdag stars lang sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz, hindi saviour na maglalagay sa mataas pang rating na meron ang GMA-7, or magpapasikat pang lalo sa estasyon."

"Forced to transfer sila, kaya hindi big deal. Harsh pero totoo, huwag na tayong mag-eklayan pa. Basta ok lang, lumipat sila, no big deal."

Humingi naman ng pasensya si Manay Lolit dahil 'bad mood' daw siya kaya medyo harsh ang fearless comment niya, sa muling pagsasama sa iisang network ng perrenial loveteam ng ABS-CBN na sina Bea at John Lloyd.

"Pasensya na po, bad mood today kaya medyo to your face ang opinion. Huwag magalit, basahin lang."