Umiikot ngayon sa social media ang post na kung saan ay sinasabi na magkakaroon ng Korean adaptation ang GMA tele-pantasya na "Encantadia."

Ayon sa post, pangungunahan ng mga Korean actress na sina Kim Ok Bin, Ha Ji Won, Lee Sung Kyung, at Seo Hyun Jin na gaganap bilang magkakapatid na sina Pirena, Amihan, Alena, at Danaya.

"A popular GMA telefantasya "Encantadia" reportedly announced for Korean Adaptation. The main cast Kim Ok Bin, Ha Ji Won, Lee Sung Kyung and Seo Hyun Jin were chosen to take on the iconic roles of Pirena, Amihan, Alena, and Danaya, respectively," tweet ng isang user na may username na @kdramacommunity.

Ni-repost rin ito ng Facebook page na may pangalang "Oppasensation," na mayroong 43,708 page likers.

National

OFW sa Middle East, panalo ng ₱37M sa Super Lotto

Ngunit pinabulaan ito ng direktor na si Suzette Severo Doctolero.

Sa kanyang Facebook post, shinare nito ang post ng Oppasensation at nilagyan ng caption na "This is fake news guys."

Kaugnay pa rito, wala ring opisyal na anunsyo sa mga media website ng bansang South Korea.

Matatandaan na taong 2006, umere ang Encantadia na pinanguhan nina Sunshine Dizon bilang Pirena, Iza Calzado bilang Amihan, Karylle Padilla Tatlonghari bilang Alena, at Diana Zubiri bilang si Danaya.

Taong 2016, nang binuhay ito sa telebisyon upang bigyang bersyon at kulay nina Glaiza De Castro, Kylie Padilla, Gabbi Garcia, at Sanya Lopez.