Kapag binigyan go-signal, balaķ ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) na idaos ang kanilang Season 97 men’s basketball at women’s volleyball events sa pamamagitan ng isang semi-bubble concept.
Batay lamang ito sa mga panukalang alituntunin ng Commission on Higher Education (CHED) - ang pagsasagawa ng close circuit tournament na katulad ng ginawa ng Philippine Basketball Association (PBA) sa Bacolor, Pampanga, ayon kay NCAA management committee member at Arellano University athletic director Peter Cayco.
Sa ilalim ng konsepto, ang mga players, coaches at iba pang team personnel ay manggagaling sa kanilang tinutuluyang hotel at didiretso sa competition venue at vice versa.Dapat ding may regular na COVID-19 testing at pagsunod sa minimum health and safety protocols.
Dahil determinado ang NCAA na maidaos ang kanilang Season 97,pinabakunahan na rin nila ang kanilang mga atleta na sabik na ring makalaro muli.
“Basically, one of the guidelines include a semi-bubble concept like the one done in the PBA,” sabi ni Cayco.
“It’s called a close-circuit in the PBA and we’re still waiting for the guidelines on it,” aniya pa.
Marivic Awitan