BATAAN - Walang kawala ang isang estudyante at isa pang kasama nito nang madakip ng mga tauhan ng Mariveles Police sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. San Isidro, Mariveles nitong Huwebes.

Sa police report, kinilala ni Mariveles Police chief, Lt. Col. Gerald Gamboa ang dalawa na sinaChallikis Katoken, 23, estudyanteat taga-101 BrooksPoint, Aurora Hills, Baguio City atKari Briggs Gile, 23, at taga-Quezon Hills, Baguio City.

Ang dalawa ay inaresto ng Mariveles Police, Bataan Police Provincial Office, kasama ang Philippine Drug enforcement Agency (PDEA)-Bataan sa nabanggit na lugar matapos bentahan ni Katoken ng marijuana ang isa sa mga arresting officer.

“After Challikis Katoken handed over one brick of suspected dried marijuana fruiting tops to our PNP poseur buyer in exchange with 25,000 buddle moneytop with onegenuine 1,000 peso bill, on board a Toyota Innova gray in color with plate number NBI 1513," ayon sa pulisya.

Probinsya

Lalaki sa Davao, inatake at sinakal ang 19-anyos na babae na kapuwa pasahero sa jeep

At nang siyasatin ang kagamitan ay nakuha pa angtatlong bricks at dalawa pang plastic bag na naglalaman ngsuspected marijuana fruiting tops sa isang black bagpack.

Bukod sa nasabing iligal na droga, nasamsam din sa dalawa ang apat na bala ng9mm pistol.

Liezle Basa Iñigo