Ibinahagi ni Vice President Leni Robredo sa Facebook ang personal na pagbisita sa kanyang opisina ng lead vocalist ng bandang Eraserheads na si Ely Buendia nitong Huwebes.
“Ely Buendia in the house!! Grabe, nabulabog opisina He gave me this Eraserheads 25th Anniversary Limited Edition on vinyl
,” caption ni Robredo sa kanyang Facebook post nitong gabi ng Huwebes, Nob. 11.
Matatandaang isa si Buendia sa mga sikat na personalidad na naghimok kay Robredo na tumakbong Presidente sa Halalan 2022.
Noong Setyembre, habang wala pang pinal na pasya si Robredo sa kanyang kandidatura, tinanong ng isang fan ang bokalista ukol sa maaaring reunion ng sikat na bandang Eraserheads.
Trending ang naging sagot ni Ely na “Pag tumakbo si Leni.”
Nagpasalamat naman si Robredo sa pagbisita ng bokalista sa OVP na marami pa lang E-heads fans.
“Thank you, Ely Nakita mo kung gaano karami fans mo sa office namin,” sabi ni Robredo.
Sa pag-uulat, umani agad ng higit 29,000 reactions ang Facebook post na ito ni Robredo, tatlumpung minuto matapos maibahagi ang post.
Ang singer-songwriter ang frontman ng sikat na 90's band na Eraserheads.
Kabilang sa kanilang mga hit na kanta ang "Ang Huling El Bimbo," "With A Smile," at "Spolarium."