Mag-asawa na sina Derek Ramsay at Ellen Adarna!

Makalipas lamang ang isang stag party para kay Derek at bridal shower naman para kay Ellen, tuluyan na ngang nagtaling-puso ang engaged couple, matapos ang ilang buwang relasyon bilang mag-jowa.

Nagpalitan sila ng matatamis na pangako sa isa't isa sa Rancho Bernardo Luxury Villas sa Bataan habang nagaganap ang sunset na kitang-kita sa mga bulubunduking tanawin. Dinaluhan ito ng kani-kanilang mga malalapit na kaibigan at kaanak.

Gawa ni Bianca Cordero ang suit ni Derek at ang high-slit wedding gown naman ni Ellen ay likha ni Marc Rancy. Ibinahagi naman ng photographer na si Pat Dy ang kanilang mga larawan sa Instagram post nito.

Tsika at Intriga

'Bakit waley?' Julia, hinanap sa naghayahay na jowang si Gerald

Screengrab mula sa IG/Vito Selma

Screengrab mula sa IG/Vito Selma

Screengrab mula sa IG/Vito Selma

Screengrab mula sa IG/Vito Selma

Ellen Adarna (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Ellen Adarna (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Ellen Adarna at Derek Ramsay (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Ngunit paano nga ba nagsimula ang relasyon nina Ellen at Derek?

Matatandaang noong 2019 at 2020 ay napabalita ang pakikipaghiwalay nila sa kani-kanilang mga karelasyon; si Derek kay Andrea Torres at si Ellen naman ay kay John Lloyd Cruz.

Pagpasok ng 2021, marami ang nakakitang magkasama sina Ellen at Derek sa mga pa-dinner sa bahay ni Derek at magmula noon, nagkakasama na sila ni Ellen maging sa pagwo-workout. Buwan ng Pebrero nang kumpirmahin nila ang kanilang relasyon.

Inamin nila na kahit isang buwan pa lamang ang kanilang pag-iibigan, pakiramdam daw nila ay isang taon na ang nilalakad ng kanilang relasyon. Talagang nagkaroon ng 'magic' at 'spark' sa kanilang dalawa, na nagsimula naman bilang magkaibigan.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/02/16/ellen-present-sa-special-dinner-sa-bahay-ni-derek/

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/02/27/derek-at-ellen-kumpirmadong-magdyowa-na/

Hindi naging 'smooth-sailing' ang relasyon ng dalawa lalo't kahihiwalay nga lamang nila sa kani-kanilang mga ex, kaya marami ang humusga sa kanila na hindi rin magtatagal ang kanilang relasyon.

Ngunit sa buwan ng Marso, muling nagulat ang mga netizens sa balitang engaged na sila. Doon na nagsimulang sundan ng mga followers at bashers ang kanilang mga sweet moments na ibinabahagi nila sa kani-kanilang mga social media accounts.

Matatandaang sa naging panayam ni Nelson Canlas sa 24 Oras noon, kukumbinsihin umano niya si Ellen na pakasalan siya upang patunayan dito na sila na ang forever; ang problema, hindi umano naniniwala sa konsepto ng kasal ang nobya.

Buwan ng Setyembre, ginawa ang kanilang prenup photoshoot, na kinunan ng mga wedding photographers na sina Pat Dy at Chissai Bautista sa Anilao, Batangas.

Makikitang ang kanilang naging venue ay kalikasan, partikular sa talahiban o matataas na damo, at ang ilan naman ay sa kotse. 'Forever D' naman ang naging tawagan nila sa isa't isa.

Ang wedding coordinators nila na 'La Belle Fete Weddings' ang nag-ayos ng prenup photoshoot. Ang nag-style sa kanila ay sina Rain Dagala and Em Millan, katuwang sina Elaine Villapando at Rioliza Camantigue.

Buwan ng Oktubre ay isinagawa ang pamamahagi ng kanilang mga wedding invitations at ang paglabas ng kanilang prenup photos.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/13/prenup-photo-shoot-nina-derek-at-ellen-ibinida-cant-wait-my-love/

At nitong Nobyembre nga---ikinasal na sila!

Congratulations, Derek at Ellen!