Isa sa mga bankable leading men ng Kapuso Network na natuwa sa pagpirma ni John Lloyd Cruz ng kontrata sa GMA Network ay si Dennis Trillo.

Kung babalikan ang kanilang acting career, pareho silang nagmula sa 'Star Circle' ng ABS-CBN (na ngayon ay Star Magic) at doon talaga sila nakilala. Sa katunayan, ka-batch ni Dennis sina Bea Alonzo, Alfred Vargas, at TJ Trinidad. Nang lumipat si Dennis sa Kapuso Network noong 2003, doon na nagsimula ang kaniyang 'breakthrough as a Kapuso' na na-maintain niya hanggang sa kasalukuyan. Isa na siya ngayon sa mga A-listers ng GMA Network.

Kamakailan lamang ay natapos na ang kaniyang seryeng 'Legal Wives' kaya natanong si Dennis kung ano ang pakiramdam niya ngayong may posibilidad na makatrabaho na niya si JLC.

Willing umano siyang maging kontrabida nito kung saka-sakali.

Events

Sa pagtakbong senador ni Willie: Wil To Win, magpapatuloy pa ba sa ere?

"Excited ako na balang-araw, sana magkaroon kami ng project na magkasama. Welcome John Lloyd,” sabi ni Dennis.

"Gusto ko kamuhian naman ako, mga tao magalit sila sa ‘kin, hindi personal, sa character ko. Gusto ko ma-experience ‘yun, ‘yung tipong walang mabuting buto sa katawan,” pahayag ni Dennis sa media presscon na ginanap para sa kaniyang seryeng tinutukan din naman ng mga Kapuso viewers.

Bilang artistang nagpapahalaga sa kaniyang craft, gusto pa raw niyang matuklasan ang mga kaya niyang gawin; gusto niyang mag-reinvent.

"Gusto ko lang din na binabago palagi ‘yung mga ginagawa ko para hindi sila nagsasawa. Kailangan mag-effort talaga at magpakita ng panibago palagi or interesting na kakapitan ka pa rin nila.”

Sa ngayon daw ay tutok muna siya sa pag-aalaga sa fiancee na si Jennylyn Mercado gayundin sa pag-eedit ng kanilang vlogs.