Muli na namang binanatan ng showbiz columnist na si Cristy Fermin ang Viva actress na si Nadine Lustre.

Sa radio program nitong 'Cristy Fer Minute' nitong Nobyembre 10, nagbigay ng reaksyon ang kontrobersyal na showbiz columnist sa pagbabalik-pelikula ni Nadine katambal ang aktor na si Diego Loyzaga. Para kay Cristy, magaling na artista si Diego at baka hindi makapantay umano sa galing nito si Nadine.

"Ang galing ni Diego Loyzaga, baka siya ang hindi makapantay… Ayoko pong magsinungaling, paano ko naman huhusgahan ang acting ni Nadine Lustre eh hindi ko naman siya pinapanood, at hindi ko siya napapanood at wala akong plano na panoorin siya," tapat na pag-amin ni Cristy sa aktres na kamakailan lamang ay sinita niya sa madalas nitong 'pagbibilad' ng katawan sa social media, at pinayuhan pang magtapi upang hindi nababash.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/30/cristy-kay-nadine-kaugnay-ng-body-shaming-para-hindi-ka-naba-bash-magtapi-ka-di-ba/

"Dati nasisilip ko 'yung sila ni James Reid, nasisilip ko siya do'n pero wala akong natatandaang markado. Ang sabi nga ng mga hindi niya fans, mag-workshop ka muna!" banat pa ni Cristy.

Tsika at Intriga

'Dami nang mulat, 'di na muling pipikit pa! Ogie, 'beke nemen' hirit kay Mayor Leni sa 2028

Matapos nito, wala pang tugon si Nadine sa mga pahayag na ito ni Cristy.

Kamakailan lamang ay may pahaging din si Nadine sa social media na sa palagay ng mga netizens ay para sa showbiz columnist, matapos nitong sabihing magtapi siya.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/10/30/nadine-lustre-pinaringgan-nga-ba-si-cristy-fermin-2021-na-toxic-pa-rin-maritess-talaga-ihhh/

Ang pelikulang pagtatambalan nina Nadine at Diego ay may working title na 'Greed' under Viva Films, sa direksyon ni Direk Yam Laranas.

Bagama't pumayag na si Nadine na gumawa ng pelikula sa Viva bilang talent pa rin ng Viva Artists Agency, patuloy pa rin umano ang kanilang legal negotiations upang maisaayos na ang anumang gusot o hindi pagkakaunawaan ng dalawang kampo.

Kinumpirma ng mga abogado ni Nadine na sina Atty. Eirene Jhone E. Aguila at Atty. Gideon V. Peña na bagama't balik na ulit si Nadine sa Viva, may mga legal negotiations pa rin umanong nagaganap upang matiyak na maibigay ang mga 'ipinangako' ng talent agency sa kanilang kliyente.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2021/11/04/nadine-lustre-tuloy-ang-legal-negotiations-sa-viva-artists-agency/

Samantala, may napatunayan na ba si Nadine sa larangan ng pag-arte? May mga natanggap na nga ba siyang acting awards?

Kung titingnan ang track record ni Nadine, masasabing award-winning actress na siya sa larangan ng pelikula, television, musika, at popularidad.

Simula 2016, siya ay naging nominado sa FAMAS, Gawad Urian, PMPC Star Awards for Movies, Guild of Educators, Mentors, and Students Hiyas Ng Sining Awards, Young Critics Circle, EDDYS Awards, at Asian Academy Creative Awards. Ilan sa mga ito ay naipanalo naman niya para sa pelikulang 'Never Not Love You' at 'Ulan'.