Malaki na talaga ang iginanda ulit ng katawan ng 'Pambansang Bae' at 'Asia's Multimedia Star' na si Alden Richards, batay sa kaniyang latest Facebook post.

Malapit na rin kasi ang pababalik ng 'The World Between Us' nila nina Jasmine Curtis Smith at Tom Rodriguez. At syempre, kailangan niyang paghandaan ang nilulutong pelikula nila ni Bea Alonzo sa GMA Pictures, at iba pang mga proyektong inilinya at inilatag sa kaniya ng home network.

Kaya naman, ibinahagi niya ang kaniyang mga litrato na nakahubad-baro siya habang nasa tabing-dagat.

May be an image of 1 person, standing, sky, ocean and beach
Larawan mula sa FB/Alden Richards

National

FPRRD, umaasang masuklian loyalty at suporta ng nagmamahal sa kaniya!

May be an image of 1 person, standing and body of water
Larawan mula sa FB/Alden Richards

May be an image of 1 person and sky
Larawan mula sa FB/Alden Richards

Isa sa mga nagkomento rito ang nakatrabahong Kapamilya actor sa 'Hello, Love, Goodbye' na si Joross Gamboa. Ibinahagi nito ang kaniyang sariling bersyon ng litrato na nasa dalampasigan din habang umiinom ng kape.

Pabiro niyang sabi kay Alden, "Paubaya ko na sa 'yo ang paghubad… kakape lang ako rito."

May be an image of 1 person, standing, drink and outdoors
Joross Gamboa (Larawan mula sa FB/Alden Richards)

Hindi naman tiyak kung magkasama ba sila o nagkataon lamang na parehong dalampasigan ang background nila.

Anyway, si Joross ay muling mapapanood sa season 2 ng comedy 'Hoy, Love You!' sa Kapamilya channel at iba pa nitong digital platforms.