Nais masiguro ni Senate President Vicente C. Sotto III na ligtas sa posibleng hawaan ng COVID-19 ang Senate complex sa pamamagitan ng pagpapaalala sa lahat na mahigpit na sundin ang health protocols kahit na bumaba ang alert level sa buong bansa.

Ang direktiba ay inilabas sa pagsisimula ng Senado nitong Miyerkules, Nob. 10, sa deliberasyon sa panukalang P5.024 trillion na national budget kung saan ang mga pinuno ng mga ahensya, departamento at kawanihan at kanilang mga tauhan ang karaniwang dumadalo sa debate sa session hall ng Senado.

Ang mga opisyal ng mga kagawaran o ahensyang inaasahang dadalo ay kadalasang nakaupo malapit sa mga senator-chairmen ng Senate finances sub-committees at nagbibigay ng mga sagot ukol sa kanilang mga hinihiling na pondo sa panahon ng debate.

Sinabi ni Sotto na limitado rin ang magiging bilang ng mga kawani ng mga senador at mga resource person sa session hall ng Senado.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ipinadala rin niya sa mga mambabatas ang listahan ng maliliit na institusyon ng gobyerno kung hindi naman na kailangan ng opisyal at tauhan ng mga ahensyang ito na dumalo sa budget hearing upang hindi mapuno ang Senado.

Ang paalalang ito ni Sotto sa lahat ng mga dadalo sa Senado ay upang mapanatili ang physical distancing sa isa’t isa.

Kinakailangan din silang magpakita ng RT-PCR swab negative test o antigen swab negative test, at vaccination card.

Pinaalalahanan ni Sotto ang Office of the Sergeant-at-Arms (OSAA) at Legislative Budget Research and Monitoring Office (LBRMO) sa kanyang direktiba.

Ang pag-adopt ng mga health protocols ay mahigpit na ipinunto medical bureau ng Senado.

Dahil inaasahang mas maraming tao ang pupunta sa Senate complex mula nang tumama ang COVID-19 pandemic sa bansa noong unang bahagi ng 2020, iminungkahi ni Sotto sa midya na i-cover na lang ang budget debate sa pamamagitan ng video conferencing habang ipinagbabawal pa rin ang mga panayam.

‘’But if you want, its up to you,’’ sabi ni Sotto sa mga Senate reporters.

Mario Casayuran