Pinatawan ng National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order o shut down ang isang FM radio station sa Legazpi City, Albay, nitong Lunes, Nobyembre 8.

Naipahinto ang pag-ere ng Zagitsit FM dahil paso na umano ang temporary broadcast permit nito, bukod pa umano sa kakulangan nila ng studio para sa transmitter link radio station license, at paglabag daw sa provisional authority.

Zagitsit FM station
Larawan mula sa FB.Zagitsit FM

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ayon naman sa may-ari at station manager na si Jun Alegre, owner and station manager of Zagitsit FM, nag-file umano sila ng motion na 15-day extension at ito raw ay naaprubahan, kaya nagulat siya at ang kaniyang mga empleyado nang ipasara kaagad ito.

Naniniwala si Alegre na 'politically-motivated' ito. Sa loob umano ng 6 na taon nilang pag-ere, wala naman umanong sumita sa kanila sa annual inspections nila.

"Nitong nakaraang ilang buwan, nagtaka ako, ininspeksyon ang Zagitzit FM, na-single out kami and nagduda na ako na may malaking tao sa likod nito," saa ni Alegre. Ang ibang stations daw kasi ay nasita subalit hindi naman ipinasara ang operasyon.

Naihambing ni Alegre ang nangyaring ito sa ABS-CBN, ang itinuturing na pinakamalaki at pinakamalawak na network sa Pilipinas, bago ito mapahinto sa free TV broadcasting dahil din sa ceast and desist order ng NTC, at hindi naaprubahan ang renewal ng prangkisa.

“Sana 'yan ang tingnan ng NTC, kung honest to goodness ang kanilang paglinis kasi maraming estasyon dito na 5 years na ang kanilang lisensya na expired, hindi na ito labanan sa legal battle. May isang pulitiko na nagsabi sa akin na ang problema ng Zagitsit, pulitika."

"Kung kaya nga gawin sa ABS-CBN, anong dahilan na 'di kayang gawin sa maliliit na network. Ngayon, Zagitzit FM, sino naman kaya ang mga susunod na araw," aniya pa.

Ayon naman sa NTC Bicol, sa kanilang central office nagmula ang kautusan na ipatigil ang operasyon ng Zagitsit FM.

“Itong order na-receive namin kaninang umaga na the respondent is directed to immediately cease from further operating its FM station, DWH1 FM using 100.3 megahertz," saad ni Bicol OIC regional director Samuel Sabile sa panayam ng ABS-CBN News.

Mahigit 25 empleyado ng radio station ang apektado ng naturang pagpapatigil, bagama't patuloy ang kanilang online live streaming.