Pinahihintulutan na ng Department of Health (DOH) ang pangangaroling ngayong Pasko, gayunman, dapat pa ring mag-ingat at sumunod sa health protocols laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kailangang tiyakin ng mga nais mangarolling na outdoor lamang ito.

Dapat din aniyang magsuot pa rin sila ng face mask at face shield.

Mas marami aniyang respiratory droplets ang nailalabas ng tao kapag kumakanta sila kaya’t mas mataas ang panganib na magkaroon ng transmission ng virus.

National

PISTON at Manibela, may transport strike ulit!

“Sa pangangarolling po kailangan lang tandaan na outdoors dapat, nandyan ‘yung pagsuot ng face mask at saka face shield,” pahayag pa ni Vergeire sa isang television interview nitong Miyerkules.

Matatandaang una na ring pinayagan ng pamahalaan ang mga bata sa National Capital Region (NCR) na lumabas sa kanilang mga bahay matapos na isailalim na sa Alert Level 2 ang rehiyon.

Noong nakaraang taon, ipinagbawal ng pamahalaan ang pangangaroling bago pa man ang Kapaskuhan bilang bahagi ng pag-iingat laban sa COVID-19. 

Mary Ann Santiago