Iba naman talaga ang ganda at haba ng hair ng nag-iisang Kiray!

Ibinida lang naman ng Kapuso comedian ang regalo sa kaniyang Louis Vuitton brown sandals at iPhone 13 ng jowa niyang si Stephan Estopia!

Aniya, hindi niya inaasahan na bibigyan siya nito ng mamahaling mga regalo. Sinabi pa ni Kiray ang ilan sa mga linyahang natatanggap niya sa mga bashers kapag super pakita siya ng sweetness nila ng jowa.

"Hindi naman nababase ang pagmamahal sa regalo…"

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

"Hindi naman porke't binilhan ka ng mamahaling gamit, hindi ka na lolokohin…"

"Hindi binili ng jowa niya 'yan… pera ni Kiray 'yan…"

"Isa lang 'yan sa mga narinig namin pero nakakatawang basahin at pakinggan," ani Kiray sa kaniyang Facebook post nitong Nobyembre 9.

"YES! Masyadong mahal tong LV na sandals at IPHONE 13 para iregalo ni Stephan Estopia. Halos pasok lang sa sweldo niya sa stream at sa endorsements na ginawa niya. Pero hindi 'yun naging hadlang para hindi niya raw maibigay lahat ng gusto ko…"

May be an image of text that says 'LOUIS VUITTON VUITTON LOUIS'
Larawan mula sa FB/Kiray Celis

May be an image of phone
Larawan mula sa FB/Kiray Celis

May be an image of sandals and text that says 'LOUIS VUITTON H LOUIS V LOUIS VU LOUIS VUITTON'
Larawan mula sa FB/Kiray Celis

"Kaya nagpapasalamat ako sa jowa ko kasi kahit hindi naman niya kailangan patunayan sa inyo, at dahil sa makikitid na utak n'yo na kesyo ako lagi gumagastos, ako bumili, ako naglabas eh ginagawa niya pa rin…"

Kaya raw mamahalin ang regalo sa kaniya ng jowa niya para maiparating nito sa kaniya kung gaano siya kamahal.

"Para daw malaman n'yong lahat kung gaano niya ko kamahal. Kaya, Salamat kasi buong buhay ko halos gamit at kailangan ng pamilya ko ang priority ko… madalas nakakalimutan ko na yung sarili ko… pero lagi mong pinaparamdam sa akin na 'DESERVE' ko lahat kasi mabait at masipag akong tao. Thank you dad! Salamat sa lahat!"

Kaya may mensahe siya sa mga netizens na 'naiinggit' sa kaniya at wala nang sinabing maganda sa kaniya. Binanggit pa niya ang sikat na Facebook page na 'Senyora'.

"Kaya sa mga inggitera, hindi kasi kayo nireregaluhan ng mga jowa n'yo. At para naman kay Senyora, WALA KA KASING JOWA! HAHAHAHAHAHA!"

Pero sa mga Marites, paano nga ba nagsimula ang relasyon nina Kiray at Stephan?

Sinagot na iyan ni Kiray sa "My Boyfriend Does My Makeup" challenge na ginawa niya sa kaniyang vlog noong Enero.

Buking niya, si Stephan ay kaibigan ng kaniyang kapatid sa loob ng 10 taon.

"Hindi talaga kami nag-uusap every time na nagkikita kami, as in hindi talaga. Pero magkakilala kami. Lagi kasi siya rito sa bahay namin, sa lumang bahay pa namin hanggang heto na, sa sarili naming bahay lagi siyang pumupunta," kuwento ni Kiray.

At nagsimula na silang maging mag-usap nang maglaro si Kiray ng sikat na online game na 'Mobile Legends', dalawang buwan matapos ang hiwalayan nila ng ex-jowa.

"Nag-ML kami. Parang may isang laro, ang sakit ng pagkatalo namin. Lumalaban na kami sa gitna tapos wala na pala kaming tore. Ang sakit talaga. Parang panalo na pero natalo pa. Tapos sabi niya sa akin, 'Okay lang matalo sa laro, 'wag lang sa pag-ibig,'" sabi raw sa kaniya ni Stephan.

Ang 'lolo' ay broken-hearted din pala.

"Ang sarap tawanan, kasi hindi lang ikaw 'yung malungkot, ikaw lang 'yung kaka-break. At ang nakakatawa, parehas kaming niloko. Tapos 'yung reasons ng ex ko, pati ex niya, pareho."

"Pero wala na kaming bitterness sa mga ex namin, kasi kung hindi dahil sa kanila, hindi namin matatagpuan ang tunay na pagmamahal," aniya.

Pareho rin umano sila ng mindset pagdating sa pakikipagrelasyon.

"Pag pumasok kami sa isang relationship, gusto namin pang-forever na talaga. Kapag meron akong karelasyon, iniisip ko or pinapangarap ko na sila na talaga," wika pa ni Kiray.