Hindi na umano mapapanood ang singer-actor na si Ariel Rivera sa noontime show ng Brightlight Productions na umeere sa TV5: ang 'Lunch Out Loud' o LOL, na katapat ng 'Eat Bulaga' sa GMA Network at 'It's Showtime' sa ABS-CBN.

Ang dahilan?

Dahil raw sa cost-cutting na nagaganap sa naturang production company ni dating Congressman Albee Benitez.

Ayon sa mga lumabas na chika, sinabihan at inalok umano si Ariel na alternate days na lamang ang paglabas niya sa programa. Hindi umano pumayag si Ariel, kaya ang ending, tuluyan na niyang iniwanan umano ang programa at hindi na nag-report ang singer-actor na isa sa mga pioneer hosts ng LOL, at nagsisilbi bilang 'Boss-Sing' o hurado sa 'Kantrabaho' segment/contest ng programa.

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'

Hindi na siya napanood sa November 8 episode ng show.

Syempre, nalungkot naman ang production staff sa naging desisyon ni Ariel. Magaling daw kasing makisama talaga ang singer-actor at napamahal na rin sa kaniyang mga katrabaho. Napasama pa siya sa pagdiriwang ng unang anibersaryo ng LOL noong Oktubre 19, 2021. Proud pa niya itong ibinahagi sa Instagram

"Lunch Out Loud ANNIVERSARY…. Better Than Ever!!! #HappyONEderfulYearLOL," ayon sa kaniyang caption.

Larawan mula sa IG/Ariel Rivera

Samantala, ang ilan namang host at staff ay pumayag sa pakiusap umano ng pamunuan na dalawa lamang para sa taping ng tatlong episodes ng show ang talent fees na kanilang makukuha. Gaya ng ibang mga negosyo, apektado rin sila ng pandemya. Medyo nangangamba raw ang ilan sa ginagawang 'pagtitipid' ngayon ng pamunuan, lalo't magpa-Pasko na, at kung sakaling masibak ang programa, saan naman sila pupunta?

Anyway, mukhang malabo naman na matigbak kaagad sa ere ang LOL dahil pumapalo naman ito sa TV ratings at nakikipagsabayan sa kanilang mga bigating katapat na shows.

Matatandaang natsugi kaagad sa ere ang 'Sunday Noontime Live' o SNL na panapat sana sa 'ASAP Natin 'To' matapos ang tatlong buwan. Iyon ang unang pagsasama-sama nina Piolo Pascual, Maja Salvador, Jake Ejercito, Donny Pangilinan, at Catriona Gray sa labas ng ABS-CBN. Si Johnny Manahan o Mr. M na siyang direktor ng ASAP ang nagdirehe nito, na eventually ay nasa Kapuso Network na ngayon bilang consultant ng GMA Artist Center.

As of this writing, wala pa namang opisyal na pahayag si Ariel hinggil sa kaniyang pag-alis sa LOL.