Dalawang daan at limang aspirants para sa pambansang posisyon ang maaaring ideklara bilang nuisance candidates ng Commission on Elections (Comelec).
“For the position of president, 82 petitions have been filed, 15 for vice president, and 108 for those running for senator,” aniComelec – Education and Information Department (EID) Assistant Director Elaiza Davidsa naganap na Laging Handa forum nitong Miyerkules, Nob. 10.
“These are the ones who were filed petitions to declare as nuisance candidates by the Comelec,” dagdag niya.
Sinabi ni David na wala pang datos para sa iba pang posisyon.
Nauna nang naghain ang poll body ng motu proprio cases para sa deklarasyon bilang nuisance candidates.
Nakasaad sa Seksyon 69 ng Omnibus Election Code na ang Komisyon ay maaaring, motu proprio o sa pamamagitan ng isang nagpapatunay na petisyon ng isang interesadong partido, tumanggi na magbigay ng angkop na kurso o kanselahin ang isang certificate of candidacy.
Ito ay sa mga kaso kung saan ipinapakita na ang kandidatura ay isinampa upang ilagay ang proseso ng halalan sa mockery o disrepute o upang magdulot ng kalituhan sa mga botante sa pagkakapareho ng mga pangalan ng mga rehistradong kandidato, o sa pamamagitan ng iba pang pangyayari o kilos na malinaw na nagpapakita na walang bonafide intention ang kandidato na tumakbo sa opisina.
Iniulat ng Comelec na mula Oktubre 1 hanggang 8, ang bilang ng mga naghahangad sa botohan sa Mayo 2022 na naghain ng pagkapangulo ay umabot sa 97, para sa bise president 29 at 176 para sa senador.
Ang mga partylist groups na naghain ng kanilang certificates of nomination and acceptance (CONA) ay umabot sa 270.
Leslie Ann Aquino